Sunday, October 15, 2006

thoughts in filipino

once in a while, thoughts of home would haunt me and i cannot help but to have mixed feelings of joy and a certain sadness. i know that i really miss home in those moments. how i long for it! writing those thoughts help me in coping with the longing, especially when there is nobody around to share them with...


bangka
ni joe


malayo na
higit pa sa laot
ang nabagtas at naabot.
makababalik pa kaya
sa pamamagitan ng sagwan
o ng lumang layag
o kahit ng pagpapatianod na lamang
sa along asa nawa'y hahalik
muli sa nilisang
dalampasigan?
dadaong pa kaya
ang bangkang nababad nang kaytagal
sa maasing tubig banyaga?
di ba't dati'y
kaybilis ng maghapon?
kukurap lang
at ang araw'y lulubog na.
ngayon wari'y
walang hanggan
ang sikat ng araw.
kanlura't silanga'y
tila nagsanib
at maging mga bituin
ay patuloy nang
nakakubli.
nakakapagod,
nakakapanlupaypay
ang maghintay
ng sisilay na kahahantungan
nyaring paglalakbay
o pagtakas sa katotohanan?



No comments: